Simple Joys

I'm crossing out another place in my to-go list. Here.

It's just so overwhelming how hopeless I am to go places years ago and finally setting foot on them since last year. Natutwa lang ako to have realized na 5 out of 11 na ang napuntahan ko. Ang babaw no? Pero hindi ko din alam e. Hindi ako maluho sa materyal na bagay. I'm not into gadgets or any mamahaling bagay na makikita sa karamihan. Hindi naman ako inggitera. Yung touch lang para saken isang malaking luho na. Mas gusto ko talagang makarating sa iba't ibang lugar at magpicture kesa bumili ng Samsung Galaxy S4. Aanhin ko yun.

Nung bata kase ako, naalala ko, I've always wanted to go places. Nung elementary ako, nakakasama naman ako sa mga field trips. Ganun din nung high school. Yung na ung pinakagala ko. Sama mo na yung annual retreat nila mama sa Tagaytay nung nagttrabaho pa sya at may sasakyan pa kame. Pero 'pag may gusto akong punatahan, kahit mall lang at kasama ang kaibigan, hindi ako papayagan. Naalala ko nung highschool ako. Bago kame grumaduate, nagkayayaan ang barkada sa Star City. Pinaalam pa ko kanila mama, pero hindi ako pinayagan. Sabi pa nila nun: "nagpunta ka na dun dati, anak". Favorite line nila 'yun. Aun. Simula nun, sabi ko sa sarili ko, pag kaya ko na ang sarili ko, pupuntahana ko lahat ng lugar na gusto kong mapuntahan. Malapit man yan o malayo.

And ayun nga, simula ng magkatrabaho ako at magkaroong ng boyfriend na lagi akong sinasamahan, ayun ang lola mo. Gora dito, gora doon. Hindi naman OA na every month ay may destinasyon ako or every season or every occasion. Sa tingin ko naman, sapat lang. Baka maikot ko agad ang buong Pilipinas pagka ganun. When time permits and in God's time. Well, 'pag naman di ako pinayagan umaalis, hindi ako umaalis. Pero siguro lang, in my age, I can decide on my own already.

May magandang naidulot naman saken ung paghihigpit nila mama noon. At syempre, I know it's for me, too. KJ man ako for most of our friends, eh sa ganun ako pinalaki ng nanay ko e. Hindi nya ako pinalaking mabarkada o may bisyo. Medyo lakwatchera nga lang ;)

Siguro, yung paghihigpit nila, it's also one of the things that pushes me. Sabi nga nila, 'pag may gusto ka, paghirapan mo'. Totoo naman, diba? Well, bilang lahat ng kapatid ko e may pamilya na, alam kong walang magfifinance saken sa luho kong gumala. Kaya din siguro hindi ko pa naiisip mag-asawa, kase nga may mga lugar pa kong gustong puntahan.

Childish? Sige, kung yun ang tawag dun, childish hopes. Simple joys. Pero gaya nga ng sabi ko, gusto ko lang naman magenjoy. Life is short. Hindi naten alam kung ano ang mangyayari bukas o sa makalawa. May mga bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin, oo. Pero hindi naman siguro masama na paminsan minsan e magrelax relax ka din.

Nung nagkatrabaho ako, dalawang bagay lang ang una kong pinangarap bilhin: Camera at Laptop. Kilala ako sa hilig ko sa pagpicture. Naalala ko dati, dahil walang camera ung fone ko, kapag nakakahawak ako ng phone na may camera, panay ang picture ko. Camera to capture precious moments. And a laptop to share it via blog.


Going back, may narating na naman akong isang lugar. Kahit na sandali lang at may sakit pa ako, nag enjoy naman ako. Sometimes, the best way to enjoy talaga is to go places rather than buy yourself a gadget or trendy dresses. Well, at least, for me. Hindi naman kailangan maging magastos e. I'll share with you everything about finally stepping my foot in Galera. When I get better.



Naooverwhelm lang talaga ko. I was actually surprised when I read my blog again about the places I wanted to go and realized that I am one by one completing them. At nakakatuwa din isipin na may isang tao na kasama kong kumukumpleto dun sa simple joys ko. (ayan, naiiyak na naman ako). I am crossing out another place from the list. Yes, nabuhayan ako ng loob na mapuntahan ko lahat yun. ^_^




- ymhej - 
04.22.2013

Comments

Popular Posts